
- Filipino word: Duyog
English translation: Eclipse
Definition: Isang okasyon kapag ang araw ay mukhang ito ay ganap o bahagyang natatakpan ng isang madilim na bilog dahil ang buwan ay nasa pagitan ng Araw at Lupa. (Source: filipino101901)
Sentence Example: Marami ang namamangha sa duyog.

2. Filipino word: Sulatroniko
English translation: E-mail
Definition: Isang proseso ng pagpapasa o pagbibigay ng mensahe patungkol sa impormasyong mayron ka. ( Source: filipino101901)
Sentence Example: Ako’y nagpadala sa sulatroniko ng aking mensahe sa aking guro.

3. Filipino Word: Labaha
English translation: Razor
Definition: isang matalas na instrumentong ginagamit upang ahitin ang buhok
(Source: brainly)
Sentence Example: Ginamit ko ang Labaha sa cr upang ipang-ahit sa Aking balbas.

4. Filipino Word: Durungawan
English translation: Window
Definition: bintana o isang nakabukás na bahagi ng bahay na maaaring gamitin sa pagdungaw
(Source: Brainly)
Sentence Example: Nakita ko sa aming Durungawan ang isang napaka gandang babae.

5. Filipino Word: Kansunsilyo
English translation: Boxer Shorts
Definition: panloob na salawal na panlalaki
(Source: tagaloglang.com )
Sentence Example: Ginamit ko ang bagong biniling Kansunsilyo ng aking magulang

6. Filipino Word: Anluwage
English translation: Carpenter
Definition: tao na gumagawâ ng mga estruktura o kasangkapan na ginagamitan ng kawayan o tabla
(Source: tagaloglang.com )
Sentence Example: Ihanap moko ng anluwageng kayang gumawa ng Lamesang pabilog para sa ating sala.

6. Filipino Word: Batlag
English translation: Car
Definition: Isang uri ng sasakyan na ginagamit natin sa ating transportasyon sa araw-araw. Ang batlag ay may ibat-ibang laki at uri.
(Source: jessayama)
Sentence Example: Nabangga ang aming minamanehong batlag kaninang umaga.

7. Filipino Word: Kalupi
English translation: Wallet
Definition: lagayan ng mga salapi o pera na nasa loob ng ating bag.
(Source: https://brainly.ph/question/1904747 )
Sentence Example: Nawala ng aking kaklase ang kanyang kalumpi noong isang araw.

8. Filipino Word: Sambat
English translation: Fork
Definition: isang kagamitan na ginagamit sa hapagkainan.Sambat ang gamit ko sa pagkain ng iba’t ibang klase ng pasta.
(Source: ( https://wordpress76566.wordpress.com/2016/08/01/10-uncommonly-used-filipino-words/ )
Sentence Example: Mas madaling kumain kung may hawak na Sambat.

9. Filipino Word: Pulot-Gata
English translation: Honeymoon
Definition: A trip or vacation taken by a newly married couple, A period of harmony immediately following marriage.
(Source: Merriam-Webster)
Sentence Example: Pagtapos nilang ikasal ay lumipad sila papuntang Paris para sa kanilang pulot-gata.

10. Filipino Word: Dupil
English translation: Amulet
Definition: Isang bagay na pinaniniwalaang may kapangyarihang iligtas ang buhay ng taong may ari nito sa kapahamakan. Kilala bilang agimat. (Source: https://garciaclydleblog.wordpress.com/2016/09/20/ten-uncommon-filipino-words-lets-be-familiar/ )
Sentence Example: Ginamit ni Juan ang dupil upang maligtas ang kaniyang Sarili sa kapahamakan.